Linggo, Marso 11, 2018

Kabanata 3 - Mga Alamat


                       


I. Tauhan
A. Simoun - Siya ay isang mayamang                       B. Kapitan Heneral - Siya ay ang matalik na
mag-aalahas na tahimik na naghahasik                      kaibigan ni Simoun. Siya ay may mataas na
 ng rebolusyon,                                                           katungkulan sa lipunan.   


C. Padre Florentino - Siya ay isang                          D. Padre Salvi - kurang pumalit kay Padre
mabuting pari na kumopkop kay                                Damaso. Siya ay nagkaroon ng                           
Isagani nang maulila ito.                                             lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
                                   
II. Pagbubuod
Mula sa ilalim ng kubyerta ay tinawag nila si Padre Florentino.
Dinatnan niyang nagtatawanan sila ngunit dumarating din sa pagkamulat ng mga Pilipino sa kanilang karapatan. Dumating si Simoun at inilapit niya sa usapan sa mga alamat.

 Inilahad ng Kapitan Heneral ang tungkol sa Malapad na Bato kung saan pinamumugaran ito ng masasamang espirito na sinasamba ng mga Indio pero nang umalis and mga espirito, doon nanirahan ang mga tulisan.


Sunod na nagkwento ay si Padre Florentino. Kinwento niya ang tungkol kay Donya Geronima na umibig sa isang lalaki ngunit ito ay umalis at hindi na bumalik. Nabalitaan na lamang ng Donya na naging arsobispo ang lalaki kaya pinuntahan niya ito. Nagkita sila ng lalaki at pinatira siya sa isang kuweba na punong-puno ng palamuti. Makalipas ang maraming panahon, siya ay unti-unting tumataba. Akala ng mga tao na may nakatirang diwata sa kweba dahil sa mga alahas na itinatapon ni Donya Geronima. Pinaringgan naman ni Simoun si Padre Salvi.

Matapos ito'y ninais nilang magbago ang kanilang paksasa tulong ng Alamat ni San Nicolas kung saan humingi ng tulong ang Instik kay San Nicolas nang malapit kainin ng mga buwaya sa lawa. Narating nila ang lawa at nabuhay sa kanilang ala-ala ang naganap na barilan dito kung saan binaril kuno si Ibarra. Namutla si Simoun at nagsawalang kibo na lamang. 

III. Pagsusuring Pangnilalaman
A. Lugar at Panahon                                                     B.Suliranin
Ito ay nangyari sa kubyerta kung saan                         Nagkaroon ng sagutan sina Simoun at Padre
nagtitipon ang mga mayayaman sa lipunan.                Salvi nang sila ay nagkwento tungkol sa kweba
                                                                                      ni Donya Geronima na itinago kagaya ng
                                                                                      pagtago kay Maria Clara
       
                                                                       
                                           

C. Isyung Panlipunan
   

  • Hanggang ngayon ay sumasamba pa rin tayo ng isang tao/bagay. Kagaya na lamang ng pagsamba natin ng isang artista. Inilalagay natin ang kanilang mga posters sa lahat ng sulok ng bahay at parati tayong sumusubaybay sa kanilang bagong kanta o drama sa puntong nakakalimutan na natin ang mas importanteng bagay.
  • Kagaya na lamang sa alamat ni Donya Geronima, hanggang ngayon ay makikita pa rin natin ang katiwaliang ginagawa ng mga gobyerno.
IV. Aral
  • Manampalataya tayo sa Poong Maykapal.                       
  • Huwag tayong humanga nang husto sa isang tao sa puntong sinasamba na natin ito na parang Diyos.
  • Gamitin ang utak. Hindi puro puso lang ang ginagamit pagdating sa usaping pag-ibig.